Kahulugan ng Pagsulat
Ano ang pagsulat?
- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).
- Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.
- Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo.
- Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:
a. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.
b. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
d. Kahalagahang Pangkasaysayan