Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang madaling maunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto. Kapaki-pakinabang ang mga ito para sa isang mananaliksik sapagkat malinaw at siyentipiko niyang natatalakay ang kanyang paksa.
Mga Paraan ng Pagbibigay-Interpretasyon
- Basahin at unawain ang pamagat at sab-seksyon ng teksto upang matukoy ang layunin nito.
- Pansinin at unawain ang legend at scales na ginamit.
- Tingnan kung ang grap ay mayroong nakasaad na mga tala sa paligid, itaas o ibabang bahagi. Tuklasin ang mga kahulugan nito batay sa legend.
- Suriing mabuti ang bawat bahagi.
1. Mapa
- ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon.
- Ang pagbibigay ng direksyon ay isang uri ng pagpapaliwanag. Tulad ng pagpapaliwanag ng paggawa ng isang bagay, nangangailangan ito ng katiyakan, kapayakan at kaliwanagan. Kailangan din ang maliwanag na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na kailangang sundin.
2. Tsart
- Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.
b. Flow Tsart
3. Grap
Mga Uri ng Grap
a. Larawang grap (Pictograph)
Halimbawa:
b. Linyang grap (Line Graph)
Halimbawang pormat:
c. Bar Grap (Bar Graph)
- Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o pahiga ang mga datos na sinisimbolo ng bar.
d. Bilog na Grap (Pie Graph)
- ItoĆ½ sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.
Halimbawang pormat:
4. Talahanayan (Table)
- Ang talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo. Sistematikong inilalagay sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos.
Halimbawa:
Mga Pangunahing Wika ng Pilipinas
WIKA
|
TAGAPAGSALITA
|
BILANG
|
Tagalog
|
Taga-Maynila, Rizal, Bulacan, Batangas, Marinduque, Cavite, Quezon, Lubang, Bataan, Tanay-Paete, Tayabas
|
21, 186, 621
|
Cebuano
|
Taga-Cebu, Negros, Leyte at ilang bahagi ng Mindanao
|
14, 092, 547
|
Ilocano
|
Taga-Ilocos, Abra, La Union, Cagayan Valley, Samtoy, Ibanag, Babuyan, Mindoro
|
6, 874, 290
|
Hiligaynon
|
Taga-Iloilo at mga probinsya ng Capiz, Panay, Negros Occidental, Visayas
|
5, 818, 928
|
Bikolano
|
Taga-Naga, Legaspi, mga probinsya ng Albay, Bato, Buhi, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Buhi, Camarines Sur, Luzon
|
4, 572, 535
|
Waray
|
Taga-Samar-Leyte
|
2, 335, 875
|
Pampango
|
Taga-Pampanga sa Gitnang Luzon, bahagi ng Tarlac, Nueva Ecija, Bataan at Luzon
|
2, 315, 740
|
Boholano
|
Taga-Bohol, ilang bahagi ng Southern Leyte
|
1, 892, 982
|
Pangasinan
|
Taga-Pangasinan na nasa hangganan ng mga lalawigan ng Ilocos
|
1, 361, 220
|
Maranaw
|
Taga-Mindanao, Lanao del Norte at Lanao del Sur
|
1, 033, 827
|