Ito ay paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa isang salita. Ito rinay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larangan ay may tiyak na mga salitang ginagamit kaya’t kailangang ipaliwanag ito sa pamamagitan ng depinisyon.
Mga Uri ng Depinisyon
May dalawang uri ng depinisyon: (1) maanyong depinisyon, at (2) depinisyong pasanaysay.
Maanyong Depinisyon
Ito ay tumutukoy sa isang makatuwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensayklopedya.
Tatlong Bahagi ng Maanyong Depinisyon
Katawagan (form) – ang salitang ipinaliliwanag o binibigyang-depinisyon
Halimbawa: Ang Parabula
Klase o Uri (genus) – ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na binubuo ng mga katulad na bagay
Halimbawa: Ang Parabula ay isang maikling kuwento
Mga katangiang ikinaiiba ng salita (difference) – mga paglalarawan na ikinaiiba ng salitang binibigyang-depinisyon s iba pang salita o katawagan.
Halimbawa: Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong mailarawan ang isang katotohanang moral o espirituwal sa isang matalinghagang paraan.
Iba pang halimbawa ng Maanyong Depinisyon
Ang lirikoay isang uri ng tula na may kaayusan at katangian ng isang awit na nagpapahayag ng matinding damdamin ng makata.
Ang astrolohiyaay sangay ng meteorolohiya na nag-iimbestiga sa kondisyon sa himpapawid at atmospera ng daigdig.
Ang ekolohiyaay isang sangay ng siyensya na pag-aaral sa pag-uugnayan ng mga organism at sa kanilang kapaligiran, maging hayop man o halaman.
Depinisyong Pasanaysay
Ito ay isang uri ng depinisyon na nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-wili, makapangyarihan at makapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng mga mambabasa. Walang tiyak nah aba ito basta’t makapagpapaliwanag lamang sa salitang binibigyang kahulugan.
Halimbawa:
Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag nating malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban.
Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama at makagagawa ng inaakala nating magaling……