.

Monday, June 2, 2014

Pag-iisa-isa o Enumerasyon



Ang paglilista o enumerasyon ay tumutukoy sa tallan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing ideya. Ang ayos ng mga detalye o ideya ay maaaring magkapalitan na hindi mababago ang kahulugan.

Ito ay pinakapangkaraniwang hulwaran sa pag-oorganisa ng teksto. Ang mga impormasyon ay isa-isang itatala at tatalakayin. Madalas na nakaayos ito nang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. May mga pagkakataon din na ang isang malawak na paksa ay hinahati-hati sa mas maliit na paksa at isa-isa itong binibigyan ng pamagat. Madalas ding gamitin ang pag-iisa-isa o enumerasyon sa mga pagsusulit na obhekatibo kapag ang proseso o mga hakbang ang hinihingi sa mga aytem.

Mga Halimbawang Teksto

Ang Tuberkulosis

Ang tuberculosis ay sakit dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis.

May karaniwang sintomas ang TB:

-          Lagnat na kadalasang nararamdaman kung tanghali o panahon na
-          Pag-ubo na tumatagal ng dalawang (2) linggo o higit pa
-          Pambihirang pagpapawis lalo na kung gabi
-          Minsan may pag-ubo na may kasamang dugo
-          Walang ganang kumain o pangangayayat

Tama ba ang mga paniniwala mo ukol sa Tuberkulosis?

-          Ang tuberkulosis ay hindi namamana. Ang karamdamang ito ay maaaring makuha sa paglanghap ng hangin na may mikrobyo na mula sa isang pasyenteng may TB. Matagal na eksposyur ang kinakailangan.`
-          Ikaw ay agad na mahahawa ng TB kapag gumamit ng mga bagay tulad ng kubyertos na ginamit ng mga taong may TB.

Hindi nakakahawa ng TB ang paggamit ng mga bagay tulad ng kubyertos na pagmamay-ari ng taong may TB. Ang di mainam na nutrisyon ang isa sa mga sanhi ng mas mabilis na pagkapit ng tuberkulosis.

-          Ang TB ay napakahirap gamutin o di kaya’y wala nang lunas.

Ang TB ay maaaring gamutin at mabigyang lunas. Matagal nang may mga gamot laban sa TB. Ang gamutan ay maaaring tumagal ng 6 – 9 na buwan. Kailangang tuloy-tuloy inumin ang gamot at makumpleto upang mapuksa ang TB.