.

Friday, July 11, 2014

Ang Balita

Balita ang tawag sa mga ulat na naganap, nagaganap o magaganap sa kapaligiran, napapanahon o hindi pa naiuulat. Ito man ay mula sa radyo, telebisyon o pahayagan. Bahagi na ito ng pang-araw-araw na buhay ng bawat mamamayan. Bukod sa impormasyong taglay ng mga ito, umuusbong ang iba't ibang damdaming nakapagpapayaman ng pagkatao ng mambabasa o tagapakinig.