Ang kasanyan sa pag-unawa upang makapagbigay ng hinuha at hula ay mahala sa pagbasa ng isang teksto. Kapat nauunawaan ang nilalaman ng teksto ay lubos mauunawaan ang mga detalye, at madaling makapagbibigay ng sariling hinuha at hula ang mambabasa tungkol sa tekstong binasa batay sa kung paano ito nauunawaan. Halimbawa, sa isang maikling kuwento o nobela, maaaring makapagbigay ng kalalabasan ng pangyayari kahit hindi pa ito natatapos basahin.
Ano ang paghihinuha at paghuhula?
Paghihinuha o Pagpapalagay (inferencing)
Ipagpalagay na hindi mo pa nabasa ang isang akda o teksto. Magagawa mo kayang mabigyang kahulugan ang pamagat nito? Sa paanong paraan? Makabubuo ka ng maraming hinuha habang nagbabasa.
Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling kaalaman, ikaw ay gumagawa ng paghihinuha o pagpapalagay.
Ang pag-unawa sa diwa ng isang pahayag ay nagagawa sa iba’t ibang paraan. Di ba’t minsa’y naipaliwanag mo ang kahulugan ng isang di-tuwirang pahayag sa teksto? Naisagawa mo ito sa tulong ng mga pahiwatig at ng iyong sariling pagkaalam sa paksa.
Ang hinuha o palagay at implikasyon ay halos nagbibigay ng iisang kahulugan. Nagkakaiba lamang ang mga ito batay sa kung sino ang gumagawa o tumatanggap ng ideya o kaisipan. Ang manunulat at tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng implikasyon; ang mambabasa o tagapagsalita ang nagpapalagay o nagbubuo ng hinuha.
Sa paghihinuha, epektibong maipapahayag kung gagamitin ang mga panandang: siguro, marahil, baka, waring, tila, sa aking palagay, sa tingin ko, maaaring, at iba pa.
Paghuhula o Prediksyon (predicting)